better days

2009 July 8
by jeremiah

It will hurt, i know but I’ll still climb across.

i am writing this post just to let you know, readers, that i am still alive and so is this blog, though i cannot promise to be able to make an update regularly, something really painful for me because PugadMaya and you guys have been a part of me for the last seven months of my stay here in the blogosphere. and to be honest, it really hurts because i’m feeling like this blog is slowly fading away. but i won’t let it happen anyway. this may be just one of the millions blogs you can find , a no big deal as they say, but not for me. i also feel sorry because i haven’t been able to bloghop-read-comment frequently and i’ve been missing a lot sites whose authors i owe a lot, no, not just for comments, it’s something more than that.

i cannot force  anyone to still be a part of my nest, but it won’t hurt if you’ll still hang on and bear with me because i know someday, somehow, I and this blog will still see better days.  ^.^

anyway, aside from knowing that my blog isn’t yet forgotten, i am feeling extremely euphoric and excited because of this hunch that i still can study. it’s not yet sure but a spark of hope is enough to lift me up. so ’til here. i’ll be back when the battle is over…

victoriously.

pagtanggap…

2009 June 28
by jeremiah

una sa lahat, nagpapasalamat ako sa lahat ng viewers ng PugadMaya, lalo na sa mga nagcomments, nagencourage at nagtulak sa akin para mapagisipan ang mga bagay bagay at kung papaano ko hinaharap ang mga bagay na nangyayari sa akin ngayon.

sa katunayan, isa sa mga napagtanto ko ay mahirap talagang magkaroon ng kasiyahan kung tayo’y nakatingin sa ating mga sarili lamang, isa sa mga naging pagkakamali ko nitong nakaraan dahil naging makasarili ako nang hindi ko namamalayan. dahil sa kalungkutan, ginawa ko ang lahat ng mga bagay na akala ko’y makakapagpaligaya sa akin hanggang sa hindi ko napansin na lumalayo na naman ako sa ugat ng pagasa na pinapanghawakan ko noon, pero ngayon ay unti unti na naman akong ibinabalik ng Diyos sa daang dapat kong lakaran. totoo ngang napakabuti Niya dahil kahit ilang beses na akong bumibitiw dahil sa aking kahinaan, hindi pa rin Siya tumitigil sa pakikialam, pagabot at pagbibigay ng mga sirkumstansya kung saan wala na akong magagawa kung hindi lumuhod at lumapit sa Kanya.

ngayon, makukuntento na lang muna ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon. totoo, talagang nanlumo ako nang nabigo akong itaguyod ang aking sarili sa pagaaral, lalo na’t hindi rin ako pinayagan ng lola at tita kong kumukupkop sa akin dahil ayaw din naman nilang mahirapan at mabigo lang ako. pero siguro okey na ring nangyari ang mga bagay na iyon dahil marami naman akong natutunan, isa sa patunay na mas mahalaga ang panahon ng paglalakbay kaysa sa kung ano ang daratnan mo sa kabilang dako. maaaring ito’y katuparan o kabiguan, ngunit ang mas mahalaga ay kung papaano mo nakita ang bawat pagkakataon at kung ano ang natutunan mo sa paglalakbay. dito, ang katuparan ay mas nagiging matamis, ang kabiguan ay gumagaan at kung minsa pa nga’y napapalitan din ng kasiyahan at pagtanggap.

saan?

2009 June 19
by jeremiah

sa totoo lang, nagiging mahirap na ngayon para sa akin ang makisabay sa blog ko, hindi lamang dahil sa limitado kong panahon at oras dahil sa trabaho, kun’di dahil na rin sa “monotony” ng buhay ko ngayon. akala ko dati magiging masaya na ako kung sakaling kikita na ako ng pera sa sarili kong paraan pero halos kabaligtaran ang kinalabasan dahil may mga bagong problemang dumarating at parang may kulang pa din, at kung ano ‘yon ay ‘di ko alam. minsan nga naiiisip ko na rin na siguro panahon na para maghanap na ulit ng partner sa buhay pero hindi talaga madali sa akin ang bagay na ‘yon at ayoko rin namang maging desperado. may tamang panahon sa bawat bagay, alam ko ‘yan pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay. hindi lamang ito ukol sa pagibig. kasama  rito ang mga bagay at mga tanong na matagal ko nang hinihintay mabigyan ng katuparan at kasagutan.

minsan nakakasawa na rin ang ganito. hindi naman ako ganito dati eh. sabi ng iba, “happiness is just a state of mind,” pero mahirap maging okey kung wala ka namang dahilan. ako, ano nga ba ang dahilan ko? hindi ko alam.

pahupa na ang pakikipaglaban ko sa ibang tao na nagnanais na sirain ako. ngayon, sarili ko na naman ang kaduwelo ko. siguro nakakatawa pa rin ako hanggang ngayon, at sa mga post ko, naniniwala na may bagong bukas pa ring darating, pero ang katotohanan ay bumibisita lamang tuwing ako’y mag-isa o ‘di kaya’y nakahiga na upang matulog. minsan nga naiiisip ko na sana hindi na ako magising pa, pero sa ilang sandali ay binubura ko na din sa isipan dahil alam ko kung saan ako pupunta kung magkagayon man. hindi pa ako handang mamatay. marami pa akong gustong baguhin at marating. gusto ko pang mabuhay, ‘yan ang katotohanan, pero gaya ng magulo kong pagiisip at pagsusulat, hindi ko pa rin alam kung paano muli makakapagsimula, hindi ko rin alam kung paano magtatapos…


recovery

2009 June 14

VOICEOFTRUTH BY CASTINGCROWNS

jemi wasn’t able to log on and blog a whole week because I was back to being broke again. last sunday, an EVIL co-crew stole my wallet, including the cellphone i borrowed from my aunt, and no one’s got any clue of whoever he/she is. so what happened next? i endured an hour-long sermon from my granny, and now fearing the risk of being included in the company’s Horror Roll of the month. but the most sickening of all is to know that a portion of what i earned through a month’s worth of toil just ended up stolen. sad :( though i know that this won’t be for long because i’ll finally get my second pay tomorrow.

now what am i thinking? i’m thinking of replacing my tita’s cellphone with a new one, paying my debts fully, sending my bro a GCash, and what will be left i’ll use to sustain my every day blogging living.

it really seems like problems just keep on bugging me these days, but contrary to what i posted on pasensya na, i’m  starting to accept whatever this life has served me. all it takes is  a bit of getting-used-to and a lot of patience. nothing will happen if i’ll just whine about things. i’m a grow up now, so i have to act like one. and to tell you, i like how it feels–working and starting to stand on my own. now i know  that everything they told me was wrong. i know i failed before, but that’s because i let the trolls take over me. and now that i’m on my feet again, i’ll show them who’s the boss now.

ENDO

2009 June 6
by jeremiah

sa loob ng halos isang buwan na pagtatrabaho ko sa Jollibee, marami na din akong mga taong nakilala at pinakisamahan, mga taong sa maraming pagkakataon ay nagpagaan at nagpabigat ng buhay ko. pero hindi ko naman talaga na inasahan na magiging madali ang lahat lalo na sa akin na newbie pa rin sa trabaho. kasalukuyan pa rin akong natuto at nasasanay, hindi lang sa mga bagay na dapat kong malaman bilang isang crew, kundi pati na rin sa paraan ng pagtrato sa akin ng ilan kong kasamahan. bastusan na kasi eh. kaya kung talagang manipis ka, hindi ka magtatagal ng isang linggo. sabi ng iba, okey lang naman daw yun dahil ganun daw talaga ‘pag bago pero pilit ko mang isipin, hindi ko talaga lubos maintindihan kung bakit kailangan pa nilang pahirapin ang lahat kung ginagawa ko naman ang lahat para makapagtrabaho ng maayos?

buti na nga lang at malapit nang magcut-off dahil marami nang ‘mae-endo’ o magtatapos ang kontrata kaya marami ring aalis na fryman sa station namin. makakahinga na din ako ng maluwag. makakapagtrabaho ng walang sama ng loob. at higit sa lahat, wala nang sisira ng diskarte ko.

mawawala na ‘yung mga taong “pa-standard” kuno pero puro substandard naman ‘pag walang nakatingin na manager.

‘yung mga taong ilang oras kang pagpapakin ng gravy tapos sasabihing wala kang ginagawa.

‘yung mga taong parang hindi ka tao kung kausapin.

‘yung mga taong walang alam kung hindi magreklamo at mag-utos ng mga bagay na sila dapat ang gumagawa.

‘yung mga taong akala eh inutil kang walang alam kaya aagawin nila ang trabaho mo at pagmamapin ka na lang ng sahig.

o ‘di ba good news? at sa totoo lang natutuwa ako dahil sa mga susunod na araw, makakapasok na ako sa trabaho na may walang takot na magkamali o mapahiya. mapapatunayan ko na na kaya ko. babalik din sa dati ang lahat. ‘yung mga araw na napaiksi ng walong oras sa akin, hindi ngayon na ‘pag pasok ko palang ay inaabangan ko na ang break at uwian. :|

kaunti na lang..

kaunting tiis na lang..

pasensya na…

2009 June 1
by jeremiah
The Writerly Life

Writing is a lot like life. That is what I’ve learned after all the years of pen and paper in hand. Probably one of the main reasons why I turned to this craft was that I wanted to get away and pour out my angst, rants and  towards Life and what it has caused me to be. I thought that I would finally be a happy man but I was wrong, as wrong as barking on the wrong tree! It was then I realized that I’ve actually found myself a match to constantly fight and wrestle with. Writing has been my inner demon since, well, if you know what I mean.

But it was through my will though, not in the genes, not a capability I was born with, that I managed to get through all those challenges alive. I really had to struggle and endure my first thousand failures. There even came a time that I almost admitted that I’m really no good at nothing at all. Scrutiny and criticisms could easily do that to me, but I knew that I must keep pressing on. And indeed it was true! For it would all pay up in the end as I learned great things, and unlearned rubbish I didn’t need.  I learned that mistakes, aside from my Mom, really are one of the greatest teachers, and that’s the only way our mistakes seem to be worthwhile.

Now I may not be perfect, I may not be the number one but that wouldn’t stop me from writing. For years I believed that it would make me a better person, only to realize that writing isn’t for me any longer but for the people like you who reads what I write. And that gives me more reason to never give up on my craft. For as long as there is life and things worthy to be shared, my pen shall keep on writing and I’ll always be as happy as a clam, because this is what I really love to do—and one of my life’s purposes, I think.

Again, writing is a lot like life, one thing I’ve learned with all the years of pen and paper in hand. Like something as simple as a pen that puts our ideas into works of art and literature, you have the power to make your dreams into reality whatever kind person you may be. It doesn’t depend on what brand of pencil you are, or from what level of society you are from. What matters most is the core, your heart and mind. Believe and work and it shall happen, otherwise, don’t fret because there will always be another chance to clean up your mess and do better.

And let me tell you something more important. A paper, like that life you are living now,  is a very fragile thing, simple yet so precious and delicate that you have to be careful with it.  Many people throw away their lives or live it for the wrong reasons and for the wrong things. Why? It’s the fad nowadays! But you shouldn’t be like them. You may be good, you may be bad, or you might  be the worst but surely you can still do much better than that. A paper is a useless thing only if you let it, and the same way goes with life. And you yourself is a writer because you write your own story, you direct your own paths, either in triumph or into failure, and whatever happens it’s only you to thank or to blame. So press on! You can still make up for the mess and screw-ups you’ve made in the past. However, keep in mind that life is short and only one thing is certain: the pen will dry up, the paper will run out of space. Before you knew it you’ve almost reached the denouement, the finale. The choice is yours. Will you end happy or not? It’s all up to you to make and the time is now.

——————

sinulat ko ang artikulo na ‘yan maraming buwan na ang nakakaraan at itinago lang sa Drafts dahil hindi ako nagagandahan. hindi naman kasi talaga ako magaling. mahilig lang talaga ako magsulat dahil ito lang ata ang pinakamakabuluhang bagay na magagawa ko buhay. pero masakit lang isipin na hindi ko napanindigan ang mga katagang sinulat at mga pangakong binitiwan ko sa inyo. pakiramdam ko nga hindi ako ang nagsulat niyan  dahil parang sa akin tumatama ang lahat. dahil ngayon, hindi ko rin alam kung may bukas pa akong aasahan dahil hindi na talaga ako makakapagaral ngayong taon. bigo na naman ako. at hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa sarili ko...


another dilemma —————–>

2009 May 5
by jeremiah
04:00 PM

NCO does it again.

kaninang umaga, bago ako umalis ng bahay para makapagpa-medical exams, tinawagan ako ng NCO Clark para sa isang final interview[na naman?!] bukas ng umaga at 12:00 pm onwards. hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa pagkakabigla dahil hindi ko na inaasahan ang tawag nila sa akin. imagine march 3 ako nag-appy at nagpromise sila na tatawag within that day pero nagsawa na ako sa paghihintay. at ngayon na may plano na akong pagsabayin ang pagaaral at pagtatrabaho, saka sila tatawag–at sauce! sa mismong araw pa bago ako makapagpasa ng requirements. hindi ko alam pero napaisip ako:

“Jollibee o NCO?”

hindi ko alam ang gagawin kaya umoo na lang ako sa agent na tumawag. sa totoo lang nagdalawang isip ako kung magpapatuloy pa ba ako sa Jollibee pero in the end, naisip ko din na ipagpatuloy ang application sa Jollibee.

gusto ko talaga sa NCO pero kakailanganin kong ipagpaliban ang pagaaral. sa Jollibee kasi welcomed ang mga gustong magworking students at nabilib ako sa treatment nila sa mga employees at applicants. eh ang NCO?

PAASA!

yun lang! masakit man sa aking kalooban pero pipiliin ko si Jollibee at ang aking pagaaral. ayaw ko na ng shortcut. magaaral muna ako, magtatapos at saka tutulong sa pamilya.

at modesty aside:

“I know my worth.”

at alam kong magiging isang magaling at productive na agent ako, pero mas gugustuhin ko pang kumita ng maliit bilang isang fryman sa Jollibee para mapanindigan ang plano at salitang binitiwan ko sa inyo. isa pa, masasayang din ang pledge ko sa AKOMISMO.

jem-akomismo

kaya magiging totoo ako sa aking pangako hindi lang para sa sarili ko, sa pamilya ko, sa bayan natin, kun’di para din sa inyo na naniniwala at patuloy na nagtitiwala na kaya ko. :D


just a note: I am not endorsing AKOMISMO in any way. I myself is a member but I'm not for it yet--still thinking things over like how could this campaign effect change on our country.


one step, enough for me..

2009 May 4
12:00 PM

WITHLONGLIFE|ISRAELHOUGHTON


bago kayo magbasa, iplay at makisayaw muna kayo dito sa featured song ko.

sa ilang linggong paghihintay ay, sa wakas, makakakuha na ako ng requirements at makakapagpa-medical na para tuluyan nang makakuha ng schedule at makapag-work sa Jollibee. sobrang late na nga pero wala ako magagawa dahil ngayon lang ulit ako nagkapera (courtesy of Lolo :D ) na sapat para malakad at makumpleto ang lahat ng requirements. nakakatuwa lang dahil kahit butas ang bulsa ko at problemado ay nagagawa ko pa ding tumulong sa aming church, tulad na lang ng special participation ko sa KidzVenture Summer Camp ng KidzBlitz, kids ministry ng SoulPath, Bread of Life Balanga City, at ngayon ay busy pa din dahil sa fund-raising na ginagawa namin ng Trekkers para sa “Tawag Kay Kayumanggi” Summer Camp namin sa May 15-16, 2009, kaya naman abala ang lahat ng facilitators at creative staff tulad ko para mameet ang mga goals namin dahil isang linggo na lang ang natitira para makapagraise-up kami ng fund.

trekkers-unofficial

a discovery of what we were, what we are, and what we can be as Filipinos--stuff they don't teach you at school.

a discovery of what we were, what we are, and what we can be as Filipinos–stuff they don’t teach you at school.

.

maraming ngang nagtatanong sa bahay kung bakit puro youth ng BOL Balanga at Olongapo ang bumubuno sa lahat. hindi kasi nila alam ang kredo namin dito na laban kung laban, patay kung patay, at hindi pagdepende sa tulong ng iba, though may mga kusang nagbibigay sa amin ng suporta, tulad na lang kahapon dahil may nagbigay ng isang box na bath soap na ipinackage namin at ipinagbili. aside from that, mayroon din kaming T-shirts, Polvoron, at Bookmarks on sale.

tshirt

after all, Chip Tsao is so right!

nakakatuwa lang talaga dahil kahit mahirap eh buong buo pa din kami at optimistic, kaya naman kahit madami na akong personal problems at worries, nakakalimutan ko sa tuwing nagsasama-sama kami at work. and speaking of worries, worry ang devotional read ko kagabi at tumatak sa akin ang linyang, “one step, enough for me.” na totoo sa akin ngayon dahil natututunan ko nang hindi masyado magalala sa mga bagay-bagay dahil naayos naman ang lahat sa tamang panahon, kaya naman ngayon ay nakakatulog na ako ng maaga at maayos. thanks to Psalm 23.

The LORD is my shepherd, I shall not be in want.

2 He makes me lie down in green pastures,
he leads me beside quiet waters,

3 he restores my soul.
He guides me in paths of righteousness
for his name’s sake.

4 Even though I walk
through the valley of the shadow of death,
I will fear no evil,
for you are with me;
your rod and your staff,
they comfort me.

5 You prepare a table before me
in the presence of my enemies.
You anoint my head with oil;
my cup overflows.

6 Surely goodness and love will follow me
all the days of my life,
and I will dwell in the house of the LORD
forever.
-NIV-

:)

04:00 PM

gusto ko sana kumpetuhin ang pagbasa sa mga blogs na nasa blogroll ko from A-Z pero ‘di ko na kaya dahil sa runny nose na ito, tutulo na eh saka hassle kaya mas mabuting umuwi muna ako at makainom ng gamot. i’ll be back tomorrow after ng lab tests ko. :D






singit lang ^.^

2009 April 22
by jeremiah

jem-keychains

07:00 PM

hindi pa sana ako mag-oopen ng blog ngayon pero may assignment kasing pinagawa sa akin ang Trekkers, ang unofficial youth group ng Soul Path [Bread of Life Ministry Bataan]. katatapos lang ng training ko kani-kanina sa Jollibee–na nagpaiyak sa akin dahil naubusan ako ng pera dahil pinagalitan ako at 3 beses ipinaulit ang haircut ko hanggang magmukha akong tukmol. akala ko katapusan na ng career ko pero naka-make up naman ako sa mga katangahan at kapalpakan ko kanina. so far, natutunan ko nang magsaing, mag-butch at magprepare ng gravy. bukas ulit.

eniwey, regarding sa assignment na pinapagawa sa akin,  mga keychains yun na ibebenta namin for the Call of Kayumanggi Youth Camp. bakit Call of Kayumanggi? just visit TheBrownRaise web site. hindi nga ako sure kung makakasama ako dahil inaasahan kong makukuha ako sa work after training, baka mawalan ako ng time, so the least that  i can do eh tumulong na lang kahit sa munti kong paraan. nakakatuwa nga dahil wala talaga akong pera ngayon, pero noong isinet ko na gagawin ko yung mga designs, something weird happened. galing galing! so gusto ko mang magbloghop ngayon, hindi pa din pwede dahil nga isa lang itong singit. hehe. don’t worry, ‘pag may suweldo na ako, makakapagblog na din ako uleht, pero for now pakonti-konti muna. iseshare ko na lang muna yung mga designs na nagawa ko. ayun oh nasa taas :D o siya, magpapaalam muna ulit ako, isusurprise ko na lang kayo sa susunod na ‘pag oopen ko. tenkyu sa lahat.


sabado

2009 April 18
by jeremiah
03:27 pm

akala ko magiging madali ang pananatili ko sa bahay para lang makatipid pero kapalit noon ang sobrang pagkabagot na kung dati ay hindi ako maubusan ng gagawin, ngayon eh ‘di ko na alam kung ano ang gagawin para palipasin ang maghapon. BOREDOM raised to the tenth power! walang buhay at ang tanging disturbance lang na nangyayari ay ang paminsan-minsang pagring ng cellphone ko: Globe, may free 10 pesos daw ‘pag nagload ng at least 100, pero mismong pangload nga wala ako, o kahit pambili man lang ng Hany o lollipop na apple flavor. :|

nagsisimula sa gabi ang buhay ko, ‘pag pa-closing time na, nagsusulat, nagdedevotion at pinagtiyatiyagaan basahin ang Harry Potter and the Order of the Phoenix na pitong beses ko nang natapos. saya noh? pero mas masaya ngayon dahil may good news ako sa inyo. katatapos lang kasi ng final interview ko sa Jollibee ngayon at pasado ako. pinapabalik na ako nang monday at pinagdadala ng P 320 para sa uniform (panibagong problema na naman, gusto ko nga itanong kung puwedeng salary deduction na lang). at sa 21 naman, malalaman ko na kung pasado ako sa BPSU entrance exam at kung Psychology ang babagsakan kong course, though hindi ako 100% sure kung ikinonsider ako dahil sa kulang na requirements. on process pa lang kasi ang HS form 137 ko kaya ‘di ko pa naipapasa, pero optimistic naman ako na kasama ako sa passers, considering na kaunti lang talaga ang nagapply sa Psychology course.

ngayon, ikino-condition ko na lang ang isip ko na maging positive sa mga darating pang araw at magserysoso sa work at sa pagba-blog dahil dito nakasalalay kung makakapagenroll ako sa kolehiyo. at oo nga pala, magwowork na din ako kaya mas lalong mababawasan ang time ko sa PugadMaya, pero for sure naman na hindi ko ‘to iiwan. saka sa mga nagtataka kung bakit kasama sa pagtitipid ko ang pagliban sa blogging, wala pa kasi ako sariling PC kaya sa labas ako nagrerent, so talagang malaki ang kinakain sa budget ko ang pagme-maintain nito, at ano man ang sabihin ng IBA DIYAN na nagsasayang lang ako ng pera sa blog eh wala akong pakialam. kanya kanyang trip lang ‘yan. eh bakit sa DOTA at iba pang online-games, ‘di ba mas nakakasayang lang ng oras at pera?  HA?

sauce. naiinis na naman ako pero isa lang ang sasabihin ko, lab ko ang PugadMaya at ‘di ko ‘to iiwan ano man ang mangyari, pero in the mean time, aasikasuhin ko muna ang buhay ko. and by the way, lalaki po ang author nito at wala itong kaugnayan sa Pugad Baboy, OKEY? dahil hindi ako panatiko ng komiks na yon. period.

yun lang.

————

bukas sunday, magoopen ulit ako ng blog para bumisita sa mga blogs niyo at magreply sa comments, magtatime na kasi ako ngayon eh. hapi weekend sa lahat.